Monday, April 25, 2016

Over and over again

Seryoso? Ako lng ba yung lalaking ganito? Na kahit ilang ulit nang pagusapan ang mga bagay bagay di parin maalis sakin na magalit? Ayoko na ng ganito. Ito ba talaga yung feeling ng natrauma? Parang sa lahat ng bagay napapraning ka? Alam kong mahina ako. Palagi akong nagiisip ng mga istupidong bagay. Minsan gusto ko na talagang taposin yung buhay ko. Kahit girlfriend ko mismo di na nya kaya akong intindihin tuwing mararamdaman ko yung mga bagay na yan. Alam ko unti unti na akong nakakain ng depression gustohin ko man o hindi. Pero sino nga ba ang may gusto madepress? Ni minsan di ko gusto yan, pero anong magagawa ko? Alam ko namang gusto ko lang na pansin ako ng girlfriend ko, gusto ko minsan sakin lng yung oras at attention nya alam kong selfish pero khit minsan lang naman diba? :( halos ibigay ko na sa kanya lahat ng meron ako pero alam ko naman na kulang na kulang kung anong meron ako :( Pero kahit anong gawin ko di naman magbabago pananaw nun dun sa mga bagay na yun. Ang komplikado masyado. Ramdam ko naman na parang wala na sya pakialam sakin eh. Di ko na alam yung gagawin ko :/ Kung iiwan nya ako matatanggap ko din naman sguro pagkatapos akong lamunin ng depression. At ngayong gabi, pagkatapos kung ipublish to. Bahala na kung anong mangyayari sakin :| Adios!

No comments:

Post a Comment